Ang Lokal na Pamahalaan ng Pura ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa!

“Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines na nakatuon sa mahahalagang pangyayari sa bansa sa nakalipas na 500 taon partikular na sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 na mahigpit na nagtatagubiling ang mga pagdiriwang ay nararapat na maging “Filipino-centric” na nararapat na sumasalamin sa Pilipinong pananaw at nagbabantayog sa pag-unawa at damdamin ng pagmamalaki sa ating mga ninuno at mayamang pamanang kultural sa porma ng panitikan, wika, mga sining, at ibá pang manipestasyong kultural. Nararapat ding bigyang-diin nitó ang Pilipinong Identidad at halagáhan ukol sa pagkakaisa, kahinahunan, at kalayaan.”

Copyright © 2020. Municipality of Pura Province of Tarlac. All rights reserved

Official Website of Municipality of Pura