Skip to main content

ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI | AGOSTO 29, 2022

ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI | AGOSTO 29, 2022
Ngayon, ika-29 ng Agosto, ang Lokal na Pamahalaan ng Pura, sa pangunguna ng ating alkalde, Freddie D. Domingo, ay nakikiisa sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani na may temang “Kabayanihan Tungo sa Pagkakaisa at Pag-unlad.”
Ang araw na ito ay alay nating mga Pilipino sa ating mga magigiting na bayani na nagbigay ng karangalan at nagtaguyod ng kalayaan sa ating Inang Bayan.
Sa makabagong panahon, nawa’y ang kanilang kadakilaan ay magsilbing inspirasyon lalo na sa mga kabataan para pag-alabin pa rin ang Diwang Makabansa. Lahat tayo ay maaaring maging isang bayani. Ipamalas ang ating angking talino at galing, tumindig sa tama at ang mali ay hindi mangingiwing iwasto.
Kumilos para sa Diyos, sa ating Kapwa, at para sa Bansa.
#AribaPura
#BIDAangMayDisiplina
#NationalHeroesDay

Official Website of Municipality of Pura