Skip to main content

DSWD’s Empowering Communities through Convergence Orientation Seminar

TINGNAN: Naanyayahan ang ating bayan sa pangunguna ng ating butihing Punongbayan Atty. John Paul M. Balmores sa katatapos na DSWD’s Empowering Communities through Convergence Orientation Seminar sa Zamboanga Del Sur na kung saan ang ating Lokal na Pamahalaang Bayan ng Pura ay hinangaan sa pagkakaroon ng maayos at epektibong implementasyon ng Supplemental Feeding Program mg DSWD sa ating bayan. Tanging ang Bayan ng Pura lamang ang bayan na galing sa Luzon ang naanyayahan sa nasabing aktibidad.
Kinilala ang inisyatibong ito sapagkat ang ating mga kababayang local manufacturers mismo ang nagsusuplay sa nasabing programa. Ito ay kaugnay sa programang isinusulong ng ating alkade para sa isang maayos at maginhawang pamayanan.
#BayangDakilaBayanNgDakila
#AribaPura

Official Website of Municipality of Pura