
RABIES AWARENESS MONTH 2022
Alinsunod sa R.A. No. 9482 na nilagdaan na batas noong 2007, itinalaga ang buwan ng Marso bilang Rabies Awareness Month na may tema ngayong taon na “Rabies-free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino.” Ito ay naglalayong mapalakas ang kamalayan sa pag-iwas, pagkontrol at pamamahala sa rabies.
Kaisa ninyo ang Lokal na Pamahalaan ng Pura sa pagbibigay-kahalagahan sa mga hayop subalit mahalaga rin na sugpuin natin ang rabies na maaari nilang maidulot.
Gayunpaman, patuloy naming hinihikayat ang lahat na pabakunahan ng kontra rabies ang mga alagang aso’t pusa at magtungo lamang sa Municipal Agriculture Office para sa bakuna ng mga alagang aso at pusa o di kaya’y magtanong lang sa mga kinauukulan sa inyong barangay ukol sa schedule ng pagbabakuna ng mga alagang hayop sa mga barangay.
Muli, maging responsableng “furr parent”, pabakunahan na ang inyong mga pets!
#AribaPura
#DisiplinaMuna