Skip to main content

TUPAD Orientation & Contract Signing

Nagkaroon ng TUPAD Orientation & Contract Signing ang 531 na benepisyariyo ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Tulong PAngkabuhayan sa ating Displaced Workers o TUPAD para sa ating mga kababayang Puranians.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng inyong abang-lingkod Atty. John Paul M. Balmores kasama ang opisina ng Public Employment Service Office (PESO) sa ating bayan.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng kaunting tulong pinansyal ang mga kababayang kulang sa kita sa pamamagitan ng paglilinis sa mga kalye, paaralan o sa parke sa loob ng sampung araw.
Asahan ang patuloy na programa ng DOLE at ng Pamahalaang Lokal sa ating mga kababayang Puranians.
#BayangDakilaBayanNgDakila
#AribaPura

Official Website of Municipality of Pura